Layuning ng Lipunan: Kabutihang Panlahat

Day 1: Paunang Pagtataya
Magkakaroon ng paunang pagtataya ang mga mag-aaral na giniwa ng guro. Ito ay isang paraan upang malaman at matuklas kung ano ang mga nalalaman nila sa aralin na tatalakayin. 
PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN 
Sisimulan na ang paksang aralin ng guro, sa tulong ng mga visual aids na ginamit ng guro sa paglalahad ng aralin ay madaling makapagbibigay ng mga mahalagang aralin ang guro at talakayin din ang  pagtuklas ng dating mga kaalaman ng mga mag-aaral ang talakayan na gagawin ng guro at magkakasunod sila ng maayos. Pagkatapos ay magkakaroon ng mga gawain ang bawat mag-aaral tungkol sa paksa. 
Gawain 1 
1. Sa unang bahagi ng gawaing ito ay mahalagang maibahagi mo muna kung ano ang 
larawan ng isang matiwasay na lipunan para sa iyo. Isulat mo ang mga katangian ng 
isang matiwasay na lipunan. 
2. Ang iyong sagot sa tanong na ito ay maaari mong maipakita sa malikhaing 
pamamaraan. Maaaring gumawa ng diorama o kaya naman ay gumuhit ng isang 
blueprint. 
3. Mahalagang maglakip ng maikling paglalarawan sa ginawang representasyon.
Gawain 2 
Panuto: Sigurado akong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang pagkain. 
Malinaw na nakasulat dito ang mga sangkap at ang sukat ng mga ito. Nakasulat din ang 
malinaw na detalye ng paraan ng pagluluto nito. Kung isusulat natin ang recipe para sa 
matiwasay na lipunan, ano kaya ang sangkap nito at paano kaya ito makakamit?

Day 2: PAGPAPALALIM

Tayain ang Iyong Pag-unawa 
1. Ano ang kahulugan ng lipunan?
2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? Paano ito makakamit?
3. Paano makatutulong ang lipunan sa pagkamit ng kaganapan ng pagkatao? 
4. Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, magiging madali ba o mahirap ang 
pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan? Pangatwiranan. 
5. Paano malalampasan ang mga balakid sa pagkamit ng tunay na layunin ng 
lipunan? Magbigay ng halimbawa sa bawat isa at ipaliwanag ito. 
6. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagkamit ng tunay na 
layunin ng lipunan? Ipaliwanag ang bawat isa.
Day 3: PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Magkakaroon ng pagpapalalim sa mga mag-aaral ang guro sa loob ng silid-aralan kung saan ay tatalakayin niya ang nilalaman ng paksang aralin tungkol sa layunin ng lipunan at ang mga elementong kabutihang panlahat. 
Pagganap 
Gawain 1 
1. Makipag-ugnayan sa guro at kamag-aral upang makapagsagawa ng isang 
survey tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng komunidad o pamayanan. 
2. Ang suliranin ay maaaring pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan o 
pang-edukasyon. Maaaring may iba pang makita sa proseso ng pagsasagawa 
nito.
3. Magsagawa ng pagtatanong sa mga naninirahan sa komunidad o pamayanan 
kung ano ang kanilang nakikitang suliranin sa kanilang paligid. 
4. Mahalagang isama ang mga namumuno sa komunidad o pamayanan sa 
isasagawang survey.
5. Matapos maglaan ng panahon sa pangangalap ng datos ay gumawa ng 
pangkalahatang ulat ukol sa naging resulta ng survey. 
6. Pumili ng tatlo sa mga nakalap at iantas ang mga ito batay sa kahalagahan. 
Pumili ng tatlong pangunahing suliranin. 
7. Iulat sa klase ang kalalabasan ng survey gamit ang graph na mayroong maikling 
pagsusuri at pagpapaliwanag. 

Day 4: PAGSASABUHAY
1. Makipag-ugnayang muli sa 
guro at mga kamag-aral upang mapagplanuhan ang susunod na gawain. 
2.
Batay sa naging resulta ng 
ginawang survey sa naunang bahagi, simulan na ang pagpaplano para sa 
pagsasakatuparan ng isang proyekto upang matugunan ang pinakaunang suliraning 
naitala. 
3.
Maglaan ng panahon 
upang mapagplanuhan ang isasagawang gawain. 
4.
Makipag-ugnayan sa guro 
upang matulungan o magabayan sa pagpaplano sa proyekto.
6. Makatutulong kung gagawa 
ng isang action plan upang matiyak na maisasagawa ng maayos ang mga 
nakaplanong gawain. Makatutulong sa iyo ang pormat na nasa ibaba. 
Day 5: Pagtatapos
Pagkatapos ng pagtalakay ay magkakaroon ng mga gawain ang mga mag-aaral na kung saan nilalaman ito ng pagsasabuhay ng kanilang natutunan sa isang linggo na pag-aaral sa tulong na rin ng mga ibat ibang kasangkapan sa pag-aaral. 
Repleksyon: Sa akdang ito, maipapamalas nito ang kahalagahan ng Layuni ng Lipunan Kabutihang Panlahat sa mga mag-aaral upang sila ay mabigyan ng linaw para sa pagsasakatuparan ng tinalakay na akda sa linggong ito. 
Bago ang pansariling kabutihan dapat muna nating isaalang-alang ang kabutihang panlahat dahil sa pamamgitan niyo makikita ang pagmamalasakit ng bawat isa sa lipunan. Sa lahat ng pagkakataon ay dapat maisip nating ang kapakanan ng bawat isa sa satin upang magkaroon ng pagkakaisa at pagunlad, at isa walang bahala na lamang ang mga panget na imahe na gumugulo sa ikakaganda at ikauunlad ng bawat isa. Ito ang kabutihan para sa lahat ng indibidwal sakop ng ating lipunan. Isa ito sa pagpapahalaga naiiba sa pansariling kapakanan. Mahalaga na makamit ng lipunan upang lahat ng tao ay mamuhay ng mapayapa at mapanatiling maayos ang relasyon ng bawat isa. 

Submitted by: Dafne A. Samosa BSE-VE 3i
Activity No. 5 in TTL 2

Comments